Monday, April 4, 2016

Launching movie nina ALDEN at MAINE, ipalalabas sa first year anniversary

NAGULAT kami sa rami ng taong dumating sa Trinoma Activity Center nang i-launch sina Alden Richards at Maine Mendoza. 


Maaga kami ng tatlong oras sa event pero nang makita namin ang nakapaligid na tao mula sa ground floor hanggang taas, akala namin ay nagsisimula na ang launch.
'Yun pala, talagang sobrang tiyaga lang ng mga AlDub fans na maghintay at mapanood ang dalawa.  May 7 am pa nga lang daw ay nagsimula ng pumila.
Sa rami na naming napupuntahang mga artistang nilo-launch ng Bench, masasabi naming pinaka-successful ang sabay na launching nina Alden at Maine.
Si Alden para sa Bench Fix Clay-Doh at si Maine naman for her own line of Bench scents.
Ito yung scents ni Maine nang unang ilabas ng Bench sa market ay sold-out agad in 15 minutes!
Nagkaroon kami ng chance na ma-ambush sina Maine at Alden sa dressing room nila pagkatapos ng launch at tinanong nga namin si Maine kung ano ang meron siya na kumbaga sa paninda, napaka-mabenta niya.
Natatawa ito at sabi na, “Hindi ko alam, hindi ko po talaga alam. Honestly, kahit po ako nagugulat kung bakit nangyayari yung ganung bagay.  Sobrang surreal po talaga.
“Gaya po ng cologne, kahit ako hindi makapaniwala,” masayang sabi ni Maine.
Hindi naman niya itinatanggi na she’s really living her dreams now.  Wala pa halos isang taon sa showbiz si Maine, pero ang na-achieve niya ay parang siya pa lang ang nakagagawa sa lahat.
Nakita namin kung paano sina Alden at Maine off-cam at kahit na masasabing ilang buwan pa lang naman sila talaga nagkaroon ng pagkakataon na magkasama na at magkausap physically, halatang na-build na nga ang closeness sa dalawa.
Sabi nga ni Maine, “Sobrang close na po kami ni Alden ngayon, walang halong showbiz.”
At dahil nga mas sweet na sila ngayon, sinabi namin kay Maine na marami sa mga fans nila ang nag-aassume na sila na naman talaga in real-life.
Naaliw kami kay Maine sa sagot niya na, “Ay yun lang, kaya sila minsan naho-hopia.”
Para kay Maine, taking things slow lang daw sila ni Alden at maghintay lang naman daw ang lahat dahil darating at darating din daw kung yun daw ang talagang plano sa kanila ni Lord.
Walang duda na mainit pa rin talaga ang phenomenal loveteam na ito.  At come July, sa kanilang first year anniversary, wait na lang daw ang lahat sa surpresa nila ni Alden.
Kahit hindi nila sinabi kung ano yun, marami na ang nakahuhula na ito na nga ang unang pelikulang pagbibidahan nilang dalawa.


(April 2, 2016 @ PEOPLE'S BALITA)

Reklamo nina JOHN LLOYD sa MMFF, mukhang mauuwi lang sa wala

KAHIT na may naumpisahang imbestigasyon sa anomalya sa MMFF 2015 ay hindi raw malinaw kung may mailalabas na solusyon ang mga mambabatas na nag-iibestiga sa sinasabing iregularidad na nangyari sa last December filmfest.



Ito ang obserbasyon ng nakausap naming isang congressman na may konek sa showbiz na ayaw magpabanggit ng pangalan. Ayon pa sa kanya kahit na nasa showbiz daw siya at suportado niya ang nasabing imbestigasyon ay baka raw mauuwi lang sa wala ang reklamo nina John Lloyd Cruz at iba pang kasamahan sa pelikulang Honor Thy Father.
“Sinasabi nilang ang problema raw ay nasa may hawak ng executive posisyon ng MMFF na may mga hinahawakan at mga nagpi-finance din sa mga pelikula na siyempre, mas papaboran nila hindi lang makakuha ng mga magagandang sinehan kungdi pati na rin ang mananalo ng awards ang pelikula nila para panoorin ng mga tao,”sey pa ng kausap naming mambabatas.
Pero ayon pa rin sa kausap naming mambabatas na lumalabas din naman sa pelikula at telebisyon ay wala pa rin daw malinaw na ebidensiya silang nakukuha at malamang pa rin daw na manatili pa rin sa executive committee ang mga taong inireklamo, huh!
Dagdag pa rin niya na kahit may mga pangako ang mga congressman na ipagpatuloy nila ang imbestigasyon sa naturang reklamo pagkatapos ng elesksiyon, still hindi pa rin daw matibay na kasiguraduhan ‘yun na mababago ang sistema sa pagpapatakbo ng MMFF.
"Tiyak na after eleksiyon, eh, iba na ang uupo na presidente, iba na rin ang MMDA chairman na itatalaga ng mananalong pangulo.
"May mga nasa kongreso na mapapalitan na. Sa palagay kaya natin, eh, ganu’n kadaling magpasa ng batas para baguhin ang mga sinusunod na alituntunin ng MMFF?” balik tanong pa ng kausap namin.
“Sa totoo lang, naman kung ‘yung mga priority bills nga ni Pangulong Aquino, eh, hindi pa nila napalusutan, ‘yan pa kayang tungkol sa MMFF,” sey pa rin ng actor na kausap namin.



(April 1, 2016 @ PEOPLE'S BALITA)


MAINE, hinulaang makakatuluyan si ALDEN at tatlo ang magiging anak

NANINIWALA kaya ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa hula ng contestant sa sugod-bahay segment ng Eat Bulaga kahapon na si Marivic Celi, na may third eye pala?  

Nag-volunteer si Maine na siya ang hulaan ni Marivic na gamit ay white cards.
Bukod sa patuloy na magandang career, sa lovelife ni Maine, magkakatuluyan daw sila ni Alden, at magkakaroon sila ng tatlong anak
May pasubali si Marivic na maaaksidente raw si Maine between June and August, kaya tanong ni Alden kung may extra room daw sa bahay nila para mabantayan lamang niya si Maine.
Hirit ni Ryan Agoncillo, delikado kung magbabantay si Alden, baka raw iba ang mangyari.
Pero kailan ang kasal kung sakali, in 2018 daw.  So, two years na lamang ang hihintayin ng AlDub Nation para matupad ang wish nila na magpakasal na nga sina Alden at Maine.



(April 1, 2016 @ PEOPLE'S BALITA)