KAHIT na may naumpisahang imbestigasyon sa anomalya sa MMFF 2015 ay hindi raw malinaw kung may mailalabas na solusyon ang mga mambabatas na nag-iibestiga sa sinasabing iregularidad na nangyari sa last December filmfest.
Ito ang obserbasyon ng nakausap naming isang congressman na may konek sa showbiz na ayaw magpabanggit ng pangalan. Ayon pa sa kanya kahit na nasa showbiz daw siya at suportado niya ang nasabing imbestigasyon ay baka raw mauuwi lang sa wala ang reklamo nina John Lloyd Cruz at iba pang kasamahan sa pelikulang Honor Thy Father.
“Sinasabi nilang ang problema raw ay nasa may hawak ng executive posisyon ng MMFF na may mga hinahawakan at mga nagpi-finance din sa mga pelikula na siyempre, mas papaboran nila hindi lang makakuha ng mga magagandang sinehan kungdi pati na rin ang mananalo ng awards ang pelikula nila para panoorin ng mga tao,”sey pa ng kausap naming mambabatas.
Pero ayon pa rin sa kausap naming mambabatas na lumalabas din naman sa pelikula at telebisyon ay wala pa rin daw malinaw na ebidensiya silang nakukuha at malamang pa rin daw na manatili pa rin sa executive committee ang mga taong inireklamo, huh!
Dagdag pa rin niya na kahit may mga pangako ang mga congressman na ipagpatuloy nila ang imbestigasyon sa naturang reklamo pagkatapos ng elesksiyon, still hindi pa rin daw matibay na kasiguraduhan ‘yun na mababago ang sistema sa pagpapatakbo ng MMFF.
"Tiyak na after eleksiyon, eh, iba na ang uupo na presidente, iba na rin ang MMDA chairman na itatalaga ng mananalong pangulo.
"May mga nasa kongreso na mapapalitan na. Sa palagay kaya natin, eh, ganu’n kadaling magpasa ng batas para baguhin ang mga sinusunod na alituntunin ng MMFF?” balik tanong pa ng kausap namin.
“Sa totoo lang, naman kung ‘yung mga priority bills nga ni Pangulong Aquino, eh, hindi pa nila napalusutan, ‘yan pa kayang tungkol sa MMFF,” sey pa rin ng actor na kausap namin.
No comments:
Post a Comment