Monday, April 4, 2016

Launching movie nina ALDEN at MAINE, ipalalabas sa first year anniversary

NAGULAT kami sa rami ng taong dumating sa Trinoma Activity Center nang i-launch sina Alden Richards at Maine Mendoza. 


Maaga kami ng tatlong oras sa event pero nang makita namin ang nakapaligid na tao mula sa ground floor hanggang taas, akala namin ay nagsisimula na ang launch.
'Yun pala, talagang sobrang tiyaga lang ng mga AlDub fans na maghintay at mapanood ang dalawa.  May 7 am pa nga lang daw ay nagsimula ng pumila.
Sa rami na naming napupuntahang mga artistang nilo-launch ng Bench, masasabi naming pinaka-successful ang sabay na launching nina Alden at Maine.
Si Alden para sa Bench Fix Clay-Doh at si Maine naman for her own line of Bench scents.
Ito yung scents ni Maine nang unang ilabas ng Bench sa market ay sold-out agad in 15 minutes!
Nagkaroon kami ng chance na ma-ambush sina Maine at Alden sa dressing room nila pagkatapos ng launch at tinanong nga namin si Maine kung ano ang meron siya na kumbaga sa paninda, napaka-mabenta niya.
Natatawa ito at sabi na, “Hindi ko alam, hindi ko po talaga alam. Honestly, kahit po ako nagugulat kung bakit nangyayari yung ganung bagay.  Sobrang surreal po talaga.
“Gaya po ng cologne, kahit ako hindi makapaniwala,” masayang sabi ni Maine.
Hindi naman niya itinatanggi na she’s really living her dreams now.  Wala pa halos isang taon sa showbiz si Maine, pero ang na-achieve niya ay parang siya pa lang ang nakagagawa sa lahat.
Nakita namin kung paano sina Alden at Maine off-cam at kahit na masasabing ilang buwan pa lang naman sila talaga nagkaroon ng pagkakataon na magkasama na at magkausap physically, halatang na-build na nga ang closeness sa dalawa.
Sabi nga ni Maine, “Sobrang close na po kami ni Alden ngayon, walang halong showbiz.”
At dahil nga mas sweet na sila ngayon, sinabi namin kay Maine na marami sa mga fans nila ang nag-aassume na sila na naman talaga in real-life.
Naaliw kami kay Maine sa sagot niya na, “Ay yun lang, kaya sila minsan naho-hopia.”
Para kay Maine, taking things slow lang daw sila ni Alden at maghintay lang naman daw ang lahat dahil darating at darating din daw kung yun daw ang talagang plano sa kanila ni Lord.
Walang duda na mainit pa rin talaga ang phenomenal loveteam na ito.  At come July, sa kanilang first year anniversary, wait na lang daw ang lahat sa surpresa nila ni Alden.
Kahit hindi nila sinabi kung ano yun, marami na ang nakahuhula na ito na nga ang unang pelikulang pagbibidahan nilang dalawa.


(April 2, 2016 @ PEOPLE'S BALITA)

Reklamo nina JOHN LLOYD sa MMFF, mukhang mauuwi lang sa wala

KAHIT na may naumpisahang imbestigasyon sa anomalya sa MMFF 2015 ay hindi raw malinaw kung may mailalabas na solusyon ang mga mambabatas na nag-iibestiga sa sinasabing iregularidad na nangyari sa last December filmfest.



Ito ang obserbasyon ng nakausap naming isang congressman na may konek sa showbiz na ayaw magpabanggit ng pangalan. Ayon pa sa kanya kahit na nasa showbiz daw siya at suportado niya ang nasabing imbestigasyon ay baka raw mauuwi lang sa wala ang reklamo nina John Lloyd Cruz at iba pang kasamahan sa pelikulang Honor Thy Father.
“Sinasabi nilang ang problema raw ay nasa may hawak ng executive posisyon ng MMFF na may mga hinahawakan at mga nagpi-finance din sa mga pelikula na siyempre, mas papaboran nila hindi lang makakuha ng mga magagandang sinehan kungdi pati na rin ang mananalo ng awards ang pelikula nila para panoorin ng mga tao,”sey pa ng kausap naming mambabatas.
Pero ayon pa rin sa kausap naming mambabatas na lumalabas din naman sa pelikula at telebisyon ay wala pa rin daw malinaw na ebidensiya silang nakukuha at malamang pa rin daw na manatili pa rin sa executive committee ang mga taong inireklamo, huh!
Dagdag pa rin niya na kahit may mga pangako ang mga congressman na ipagpatuloy nila ang imbestigasyon sa naturang reklamo pagkatapos ng elesksiyon, still hindi pa rin daw matibay na kasiguraduhan ‘yun na mababago ang sistema sa pagpapatakbo ng MMFF.
"Tiyak na after eleksiyon, eh, iba na ang uupo na presidente, iba na rin ang MMDA chairman na itatalaga ng mananalong pangulo.
"May mga nasa kongreso na mapapalitan na. Sa palagay kaya natin, eh, ganu’n kadaling magpasa ng batas para baguhin ang mga sinusunod na alituntunin ng MMFF?” balik tanong pa ng kausap namin.
“Sa totoo lang, naman kung ‘yung mga priority bills nga ni Pangulong Aquino, eh, hindi pa nila napalusutan, ‘yan pa kayang tungkol sa MMFF,” sey pa rin ng actor na kausap namin.



(April 1, 2016 @ PEOPLE'S BALITA)


MAINE, hinulaang makakatuluyan si ALDEN at tatlo ang magiging anak

NANINIWALA kaya ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa hula ng contestant sa sugod-bahay segment ng Eat Bulaga kahapon na si Marivic Celi, na may third eye pala?  

Nag-volunteer si Maine na siya ang hulaan ni Marivic na gamit ay white cards.
Bukod sa patuloy na magandang career, sa lovelife ni Maine, magkakatuluyan daw sila ni Alden, at magkakaroon sila ng tatlong anak
May pasubali si Marivic na maaaksidente raw si Maine between June and August, kaya tanong ni Alden kung may extra room daw sa bahay nila para mabantayan lamang niya si Maine.
Hirit ni Ryan Agoncillo, delikado kung magbabantay si Alden, baka raw iba ang mangyari.
Pero kailan ang kasal kung sakali, in 2018 daw.  So, two years na lamang ang hihintayin ng AlDub Nation para matupad ang wish nila na magpakasal na nga sina Alden at Maine.



(April 1, 2016 @ PEOPLE'S BALITA)

Wednesday, March 23, 2016

'#AlDubEBTamangPanahon', nakatala na sa kasaysayan ng Twitter

SABAY ang launching nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang endorsers ng Bench. 

First time man mangyayari na sabay ang launching ng dalawang sikat na artista para sa kanilang endorsements.
Si Alden ang endorser ng Fix Bench Salon at Clay Doh Lite. If we are not mistaken, ito rin ang produkto ng Bench which is being endorsed by Daniel Padilla, meaning kapwa sila endorser ng nasabing product.
Ang ilo-launch naman ni Maine ay ang kanyang Dab of Love scents na unang ilabas sa Trinoman ay sold out agad ang lahat ng variants.
Ang launch nina Alden at Maine bilang endorsers ng Bench ay gaganapin on March 30, 5 p.m. sa Trinoma Mindanao Open Parking.
Another bit of good news para sa AlDub Nation ay tila tuloy na ang launching movie ng AlDub.
May kumalat ng picture sa social media na tila meeting ng APT Entertainment para sa movie kasama si Direk Mike Tuviera.
Masaya ang AlDub Nation dahil sa 10th year anniversary ng Twitter noong Lunes ay inanunsiyo na kasali ang #AlDubEBTamangPanahon sa Five Key Tweets that Made Record-Breaking History ng Twitter bilang Most Used Hashtag in 24 Hours.
Nakatala na sa kasaysayan ng Twitter ang 40 million plus tweets tungkol sa paghaharap nina Alden at Maine sa Philippine Arena noong October 24 sa no-commercial break live telecast ng Eat Bulaga.



(March 24, 2016 @ People's Balita)


Tuesday, March 22, 2016

Xian, bumalik na naman sa dating walang kalatoy-latoy na acting

MAY mga iilan na iniintriga na naman ang acting ni Xian Lim sa kanyang latest serye with Kim Chiu na The Story of Us.

      Ayon pa sa mga ito ay bumalik na naman daw ang actor sa dating walang kalatoy-latoy na acting, huh!
Kumbaga, sa pelikulang Everything About Her with no less than the Star for All Seasons Vilma Santos na kaeksena niya, napaarte ni Direk Joyce Bernal ang Kapamilya actor pero dito raw sa latest teleserye ay blangko na naman daw ang nakikita ng mga detractors ni Xian, huh!


But in all fairness, kung may naninira, higit na mas marami sa mga nakausap namin ang mas pinupuri ang pagganap ni Xian sa kasalukuyang top rating teleserye nilang dalawa ni Kim.
Kumbaga, ang ipinakita niyang pinalakpakang acting sa pelikulang Everything About Her ay nadala niya hanggang sa The Story of Us.
“Naiinggit lang ang mga ‘yun kay Xian, dahil sa totoo lang naman, eh, actor na ngang matatawag siya at hindi kagaya ng iba riyan na pagpapa-cute pa rin ang alam,” sey pa ng isang talent handler na nakausap namin.
Dagdag pa rin ng tagapagtanggol ni Xian na sa ipinakitang acting ngayon ng actor ay hindi raw malayong kilalanin na rin siya bilang isa sa mahuhusay nating artista na kagaya nina Coco Martin, Piolo Pascual, Dennis Trillo at iba pa.
      Komento pa rin ng kausap naming na bukod daw sa malaking improvement ni Xian sa acting ay puring-puri na rin ng lahat ang husay niya pagdating sa pagho-host sa mga prestigious pageant at awards night at ang latest nga ay ang katatapos na PMPC's Star Awards for Movies.



(March 23, 2016 @ People's Balita)

Show nina Ai Ai, Manay Lolit at Joey, mawawala na sa ere

KINUMPIRMA sa amin ng kaibigang kagawad at katotong Ronnie Carrasco na mawawala na sa ere ang programang CelebriTV ng GMA 7. 

      May ilang linggo na lang sa ere ang nabanggit na show at sa darating na May 7 ay hindi na raw ito mapapanood ng televiewers, huh!
Hindi inabot ng isang taon ang programang hino-host nina Manay Lolit Solis, Joey de Leon at Ai Ai Delas Alas. Last September lang ito umere at pagkatapos ng walong buwan ay sibak na sa ere ang programang pumalit sa sinasabing longest showbiz oriented talk show na Star Talk na inabot ng more or less dalawampung taon napapanood sa Kapuso network.
     Siyempre, desisyon ng GMA management ang pagkawala sa ere ng programa. Kahit na may mga sponsors pa rin naman ang show, still, kailangan pa ring magre-rate ang programa, huh!
Heard pa rin naman namin mula pa sa isa pa rin naming source na may kapalit na programa naman daw sina Manay Lolit at Joey.  Pero hindi na sa dati nilang timeslot dahil isang programa raw ng public affairs department ng Siyete ang mamahala na ng oras na 'yun.
Samantala, ayon pa rin sa kausap namin, ang iiwanang studio raw ng CelebriTV ay gagamitin naman ng programang Wowowin ni Willie Revillame na siguradong ipababago at pagagandahin nang husto ng huli.



(March 23, 2016 @ People's Balita)

Jake, inalalayan nang husto nina Alden at Maine sa kauna-unahang pag-arte

MAMAYA na mapapanood ang unang pagtatangka ni Jake Ejercito na umarte sa isang seryosong story, sa Eat Bulaga Lenten Special titled “God Gave Me You,” kasama ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. 
Inamin ni Jake na kinakabahan pa rin siya kung ano ang kinalabasan ng acting niya hanggang hindi pa niya napapanood ang kabuuan nito.  
Overwhelmed daw siya sa treatment sa kanya ng mga kasama niya sa trabaho, sina Alden at Maine at ang staff.   Alam daw niyang sumakit ang ulo ni Direk Gina Alajar sa kanya sa one day workshop niya dahil hindi niya maibigay ang emotion na gusto nito pero napakabait daw at napaka-patient nito sa kanya kaya labis-labis ang pasasalamat niya na nagampanan din niya ang role niya.  
Sana raw ay hindi rin niya pinahirapan si Direk Joyce Bernal, na siyang nagdirek ng episode nila.

Sa story, best friends sila ni Alden, girlfriend niya si Maine.  Ayaw mag-spoiler ni Jake, kaya ayaw niyang sabihin kung paano napunta si Maine kay Alden.  
Alam daw niyang magugustuhan ng mga fans ng dalawa ang twist sa story.
Kumusta namang katrabaho sina Alden at Maine?
“Una kong na-meet si Alden sa taping na namin ng GGMY bago ko siya nakasama sa kalyeserye. Mabait si Alden, inalalayan niya ako sa mga eksena namin, kaya naging comfortable ako agad na katrabaho siya.  Bilib ako sa sipag niya, nakikita mo nang pagod siya pero hindi siya nagrireklamo, work lang siya nang work.  Nauna pa nga akong na-pack-up noon, naiwanan ko pa sila ni Maine.
    “Si Maine, nakatrabaho ko na nga muna siya sa kalyeserye bago ang taping namin ng GGMY.  Pero with Maine, mas mahirap ang mga eksena ko kasi, drama, kay Alden, light lang kasi nga best friends kami.  
"Si Maine, very humble, quiet lang.  Sa kanilang dalawa, si Alden ang mas outgoing, kaya thankful ako sa pag-alalay nila ni Maine sa akin sa mga eksena namin.  
"Kaya lamang, hindi pa kami nagkausap nang matagal na tatlo, kasi silang dalawa laging ngarag sa dami ng trabaho.”
    Sa kabila ng naranasan na niyang maging artista, hindi pa rin pala sure si Jake kung tuluyan na niyang papasukin ito.  May one year pa siya to finish his studies sa Singapore. 
Bumalik lamang siya rito dahil may two weeks vacation siya na natapat din sa paggi-guest niya sa GGMY, pero babalik din siya roon after ng Holy Week.     



(March 23, 2016 @ People's Balita)