Tuesday, March 22, 2016

Show nina Ai Ai, Manay Lolit at Joey, mawawala na sa ere

KINUMPIRMA sa amin ng kaibigang kagawad at katotong Ronnie Carrasco na mawawala na sa ere ang programang CelebriTV ng GMA 7. 

      May ilang linggo na lang sa ere ang nabanggit na show at sa darating na May 7 ay hindi na raw ito mapapanood ng televiewers, huh!
Hindi inabot ng isang taon ang programang hino-host nina Manay Lolit Solis, Joey de Leon at Ai Ai Delas Alas. Last September lang ito umere at pagkatapos ng walong buwan ay sibak na sa ere ang programang pumalit sa sinasabing longest showbiz oriented talk show na Star Talk na inabot ng more or less dalawampung taon napapanood sa Kapuso network.
     Siyempre, desisyon ng GMA management ang pagkawala sa ere ng programa. Kahit na may mga sponsors pa rin naman ang show, still, kailangan pa ring magre-rate ang programa, huh!
Heard pa rin naman namin mula pa sa isa pa rin naming source na may kapalit na programa naman daw sina Manay Lolit at Joey.  Pero hindi na sa dati nilang timeslot dahil isang programa raw ng public affairs department ng Siyete ang mamahala na ng oras na 'yun.
Samantala, ayon pa rin sa kausap namin, ang iiwanang studio raw ng CelebriTV ay gagamitin naman ng programang Wowowin ni Willie Revillame na siguradong ipababago at pagagandahin nang husto ng huli.



(March 23, 2016 @ People's Balita)

No comments:

Post a Comment