MAY nabili raw na pirated copy ng Sa Ngalan ng Ama, ang movie na prinodyus ni Coco Martin at pinagsamahan nila ni Ms. Nora Aunor.
Nagtataka ang mga fans ni Ate Guy kung paano nagkaroon ng pirated copy ang movie eh sa abroad pa lang ito ipinalabas.
Inaabangan din ng mga fans ni Ate Giy ang two-year-old film na Whistleblower na ipalalabas on April 6. Napapanahon ang pelikula dahil may hawig ito sa Napoles case.
Tampok sa movie na dinirek ni Adolf Alix, Jr., bukod kay Ate Guy, sina Laurice Guillen, Angelica Panganiban at Cherry Pie Picache.
May panawagan ang fan groups ni Ate Guy na sana ay panoorin ng mga fans ng aktres ang Whistleblower para maging blockbuster ang movie.
Ipinagmamalaki ng isang fan group sa FB na may 10,000 likes na ang trailer ng movie sa Facebook.
Pero wala naman saysay kahit marami ang likes ng trailer ng movie kung sa pag-open nito sa sinehan ay wala naman manonood.
(March 22, 2016 @ People's Balita)
No comments:
Post a Comment