Tuesday, March 22, 2016

Jake, inalalayan nang husto nina Alden at Maine sa kauna-unahang pag-arte

MAMAYA na mapapanood ang unang pagtatangka ni Jake Ejercito na umarte sa isang seryosong story, sa Eat Bulaga Lenten Special titled “God Gave Me You,” kasama ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. 
Inamin ni Jake na kinakabahan pa rin siya kung ano ang kinalabasan ng acting niya hanggang hindi pa niya napapanood ang kabuuan nito.  
Overwhelmed daw siya sa treatment sa kanya ng mga kasama niya sa trabaho, sina Alden at Maine at ang staff.   Alam daw niyang sumakit ang ulo ni Direk Gina Alajar sa kanya sa one day workshop niya dahil hindi niya maibigay ang emotion na gusto nito pero napakabait daw at napaka-patient nito sa kanya kaya labis-labis ang pasasalamat niya na nagampanan din niya ang role niya.  
Sana raw ay hindi rin niya pinahirapan si Direk Joyce Bernal, na siyang nagdirek ng episode nila.

Sa story, best friends sila ni Alden, girlfriend niya si Maine.  Ayaw mag-spoiler ni Jake, kaya ayaw niyang sabihin kung paano napunta si Maine kay Alden.  
Alam daw niyang magugustuhan ng mga fans ng dalawa ang twist sa story.
Kumusta namang katrabaho sina Alden at Maine?
“Una kong na-meet si Alden sa taping na namin ng GGMY bago ko siya nakasama sa kalyeserye. Mabait si Alden, inalalayan niya ako sa mga eksena namin, kaya naging comfortable ako agad na katrabaho siya.  Bilib ako sa sipag niya, nakikita mo nang pagod siya pero hindi siya nagrireklamo, work lang siya nang work.  Nauna pa nga akong na-pack-up noon, naiwanan ko pa sila ni Maine.
    “Si Maine, nakatrabaho ko na nga muna siya sa kalyeserye bago ang taping namin ng GGMY.  Pero with Maine, mas mahirap ang mga eksena ko kasi, drama, kay Alden, light lang kasi nga best friends kami.  
"Si Maine, very humble, quiet lang.  Sa kanilang dalawa, si Alden ang mas outgoing, kaya thankful ako sa pag-alalay nila ni Maine sa akin sa mga eksena namin.  
"Kaya lamang, hindi pa kami nagkausap nang matagal na tatlo, kasi silang dalawa laging ngarag sa dami ng trabaho.”
    Sa kabila ng naranasan na niyang maging artista, hindi pa rin pala sure si Jake kung tuluyan na niyang papasukin ito.  May one year pa siya to finish his studies sa Singapore. 
Bumalik lamang siya rito dahil may two weeks vacation siya na natapat din sa paggi-guest niya sa GGMY, pero babalik din siya roon after ng Holy Week.     



(March 23, 2016 @ People's Balita)                                                                                   

No comments:

Post a Comment