Monday, March 21, 2016

Mikael, ayaw pa ring lagyan ng label ang relasyon nila ni Megan

SABI ni Mikael Daez, nagulat siya when he was told na siya ang gustong kunin ng GMA 7 para maging leading man ni Ms. Regine Velasquez sa bagong GMA primetime soap na Poor Señorita.


  Ayon pa kay Mikael, malaking karangalan para sa kanya to work with Regine. Nakatrabaho niya sa Bubble Gang ang hubby nito na si Ogie Alcasid at mataas ang respeto niya rito. Kaya he will also treat Regine with respect.
   At take note, may kissing scene at love scene sila ni Regine. Maayos naman ang naging takbo ng shoot ng nasabing eksena. Pero siyempre di pa rin maiwasan ni Mikael mailang.
Panay ang posts nina Mikael at Megan Young ng mga trips nila together. 
Pero wala pa rin inaamin ang binata sa kung ano ba ang estado ng relasyon nila ng dating Miss World.
Sabi ni Mikael, ayaw niyang lagyan ng label kung ano man ang relasyon nila ni Maegan.
“What you see is what you get,” sabi pa ng guwapong binata na host ng segment  na 'Midnight Express'.
Sa March 28 ang premiere telecast ng Poor Señorita sa GMA 7.






(March 22, 2016 @ People's Balita)

No comments:

Post a Comment