NASAKSIHAN namin ang huli at ika-535th staging ng #popepular
na sinulat, dinirek at pinagbidahan ni Atty. Vince Tañada na ginanap Adamson University noong Linggo, March 20.
Sa lahat na mga nagawang musical play ng Philippine Stagers Foundation na magsi-celebrate na ng kanilang 15 years, ito ang masasabing pinaka-successful dahil nalampasan na nito ang record na naitala ng Bonifacio na may 520 shows nationwide.
Ayon kay Vince sa 535 shows na nagawang kanyang grupo, ang pinaka-memorable sa kanya ay, "Iligan, kasi 50 percent ang audience, mga Muslim.
"Marami talagang nanonood, noong una marami ang natatakot sa mga organizers, dahil tungkol sa Pope Francis ang musical play.
"Pero the fact that they bought tickets, that's something. We continue the show and show them kung sino si Pope Francis.
"Hindi naman siya nagtuturo ng religion. May isang kanta dun na, 'Diyos ko'y Diyos ninyo, iisa tayo'.
"So, regardless of the race, color and religion, we only have oneGod.
"And the most important thing of this musical, ayaw niyang ipilita sa 'yo na maging Kristiano.
"After ng show, yung isang Muslim, in-embrace niya ako, tapos may binigay siya sa akin na balabal, minana pa raw niya 'yun sa magulang niya.
"Tapos they were crying nang makita nila 'yun. Tapos sabi nung parang pinaka-leader nila, 'Pope Francis is sa dear friend of Muslim community, and now, you are a dear friend of ours, please comeback.
"Na-touch ako, grabe 'yun effect nang nagawa ko. In the beginning we were anxious, we were afraid, baka magwala sila.
"Pero sa play, meron dun part na hinalikan ni Pope Francis ang feet ng isang Muslim woman, so, parang na-touch daw sila.
"Tapos pinapakita namin na paano kung isang Pilipino si Pope Francis at pinakita ang ibat-ibang heroes ng bansa natin.
"So, talagang nakakakilabot ang nangyari sa Iligan. Sa Mindanao tour namin, we stayed there for almost a month, nakapunta kami ng Surigao, Butuan, Cagayan de Oro at Ozamis City.
"Sabi ko parang, it's really a challenging work for me. I never thought that I can market Mindanao with this play of Pope Francis."
Dagdag pa ni Vince, "Sabi ko, I really need to do this, dahil kailangan nang matapos ang pagtingin nila sa bilang entertainer, ganun naman palagi pag nasa teatro ka o sa pelikula, entertainer yan, parang payaso.
"Dapat meron na akong ibang purpose in life. So, I'm here not only to entertain, but to educate and inspire.
"And now I'm also here to evangelized. So, parang grabe naman ang ibinigay sa akin ng Panginoon na duty.
"Kasi ngayon nag-iisip-isip na ako kung ano ang susunod namin play na magsisimula na sa July with a new President and Vice President.
"Actually, nagsisimula na akong mag-research, pero hindi ko pa pwede sabihin kung ano ang magiging tema.
"Pero may kinalaman ito sa Martial Law, based on my experienced.
"I know, magiging controversial ito, 'yun totoo lang naman ang ipapakita ko, ang mga naranasan ko, but no one can stop me to write and staging this new production."
(March 22, 2016 @ People's Balita)